“REMOTE ENROLLMENT” mula Hunyo 1 -12, 2020
Para sa Grade 1-12
- Ipapatupad ang “Remote Enrollment” alinsunod sa “physical distancing” measures ng pamahalaan. Makipag – ugnayan ang dating class adviser sa pamamagitan ng text messaging, call, e-mail, at Facebook messenger sa mga magulang para sa pagkalap ng enrollment information ng mag-aaral at Learner Enrollment Survey Form (LESF)
- Maari din ang magulang mismo ang makikipag – ugnayan gamit ang mga contact numbers na ibinigay ng paaralan para sa pamamaraan ng “remote enrollment”
Para sa Kinder
Ipabatid sa napiling paaralan na nais i-enrol ang mga anak gamit ang mga pamamaraan ng mga ito para sa remote enrollment
Para sa Transferees/Balik-Aral
Makipag – ugnayan sa tatanggap na paaralan gamit ang mga ibinigay na detalye para sa enrolment.
Para sa Alternative Learning System
Magpatala gamit ang digital/pisikal na pamamaraan sa mga paaralan o barangay na may Community Learning Centers (CLC)
Paalala:
Maaari lamang magkaroon ng “physical submission” ng enrolment data sa ikatlong linggo ng Hunyo 2020 ng mga magulang/guardians na walang access kahit isa sa mga nabanggit na pamamaraan sa “remote enrollment”. Upang maisagawa ito, kailangan muna ng kaukulang pakikipag-ugnayan sa mga LGUs at pagsunod sa minimum health standards.
-OPLAN BALIK ESKWELA – Tarlac Province




