
Sa kasalukuyang kinakaharap ng bansa, isa sa mga pangunahing suliranin ay ang nalalapit na pagbubukas ng paaralan para sa taong 2020. Bagamat iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nagtutulungan upang matugunan ang mga katanungan at agam-agam ng mga mag-aaral at mga magulang, nangangamba parin ang mga ito dahil sa kakulangan sa kagamitan. Ang isa pang suliranin ay ang kawalan ng “internet connection” na isa sa mga paraan upang makuha ang mga “online learning materials”. Bilang tugon, nakiisa ang Globe, Sun at TalknText (Service Providers) upang maibsan ang suliraning ito. Ngayon ay maari nang ma-access ang DEPED COMMON kahit walang load ang iyong celphone. Panoorin ang paraan sa pag-access at pag-gamit ng DEPED COMMON:
Paano gamitin ang DepEd Common?
- I-type at mag punta sa: commons.deped.gov.ph
- I-click ang website.
- Piliin ang Public School
- Ilagay ang pangalan ng paaralan
- Ilagay ang e-mail address